Kasi akala mo minsan , yun na. Di mo alam meron pa pala .
Kasi iniisip mo na di mo na kaya yun pala'y kaya pa.
Alangan naman na ang iba pang tao ang magsabi sayo na ipagpatuloy mo?
Common sense kaibigan. Alam mong pipityugi din silang katulad mo.
Kaya kung ayaw mong maging katulad nila, simple lang. HUWAG KANG TUMULAD SA KANILA.
Paano ? Simple lang. HUWAG MO SILANG GAYAHIN. Maging iba ka. Walang bagay ang hindi mo kaya. Huwag mong isipin ang mga mabibigat. Gawin mo ang kaya ng isang tao at ipagpasa-DIYOS mo na ang RESULTA at hindi ang PAGGAWA.
Kasi minsan, abusado ka. Iisipin mong ang Diyos na ang bahala, wala ka namang ginagawa. Oo nga't humihingi ka ng tulong pero tumulong ka naman. Diyos pa rin ang DIYOS mawala ka man. Kaya isipin mo na ang kalawakan ang limitasyon. Wala man tayong mga pakpak ay meron tayong mga utak hindi para lumipad ngunit para makagawa ng isang bagay na makakapagpapalipad sa atin.
Kasi sa dulo nitong mundo, iisa lang ang lugar kung saan tayo patungo. Sabi nga ng Parokya ni Edgar, "Iisa lang, saan ka man magdaan".
No comments:
Post a Comment