Araw-araw mong napapansin ang pagbukas ng mga bintana sa bahay niyo pero minsan mo lang nakikita ang araw. Halos kada minuto kang nakatunganga sa labas pero kadalasan, wala ka sa iyong sarili kasi ang lalim ng iniisip mo. Ewan ko lang kung napapansin mo ang pagkasira ng sapatos mo kasi alam ko na ang iniisip mo lang ay kung ano ang sasabihin ng ibang tao kapag ka iba ang suot mong saplot sa paa. Oo nga at araw-araw kang pumapasok sa paaralan pero di mo napapansin na nakakain ka na pala ng kamunduhan.
Kasi minsan, puro ka "Huwag na lang." Ayaw mong maghanap ng ibang gawi bukod sa pabalik-balik-balik-balik na upuan mo, click lang ng click, like ng like, tag ng tag at ang mas matindi ay porn ng porn. Wala akong paki sa mga porn mo at sa collection mo ng series ni Maria Osawa, wala rin akong paki sa iyo. Kasi ang gusto ko, yung mabasa mo ito tsaka sabihin mong gago ako kasi napuna ko ang mga paborito mong libangan.
Try mo nga minsan yung manood ka ng mga basketbol moves tsaka pagka-dapithapon ay maglaro ka hanggang sa mapudpod na ung havaianas mong pang-sports o di kaya. Mag-cifra ka ng mga tugtog tsaka ipagmalaki sa mga kaibigan mo na nakuha mo na ang chords ng Por que o di kaya'y hmmmm. MANOOD KA NA LANG NG PAGKALAGAS NG MGA PAKPAK MO,
HINDI KA PA NGA LUMILIPAD, bumabagsak ka na. Gusto mo yan? Kung di mo gagawin ang mga bagay na gusto mo dahil dyan sa kabobohan mo, pagsisihan mo yan hanggang sa burol mo. PROMISE .
TRY mo ang manood ng sunset tapos sumulat ng tula tapos gumawa ng kanta tapos lagyan ng tono tapos magbasketbol tapos tumakbo sa malawak na imahinasyon ng iyong wari na walang pumipigil na kahit pa ang assignment ng teacher mong tradisyunal. SIGE NA, MINSAN NA NGA LANG YAN EH.
No comments:
Post a Comment