Ano pa't nandyan na ang malapad na sulatan,
lapatan ng mga salitang may mumurahing katanyagan.
PARISUKAT NA MUNDO, pulpol nga ba talaga tayo?
Ano sasabihin ko? Hindi? Oo?
Hindi lang ang watawat ang saksi sa pagkalupig,
hindi mga BANYAGA ang nagbuwag ng lubid.
Pilipino ka't sanay na tayo sa kanilang panunuligsa.
Mga hamak na salitang di man lamang makabiyak ng lupa.
HAYAAN MONG DULISTAHIN KA NITONG SULATING DI PORMAL,
hindi ako banal lalong di nagpapakabanal.
Aabot din tayo sa puntong tayo'y mangangamoy kanal.
ET AL, mga kabobohang sagad hanggang eskeletal.
Maligo ka man sa gatas at sa halimuyak ng dyamante,
bobo ka pa rin pwera na lang kung hindi ka tumatae.
Bakit kabobohan nalang parati ang iyong nababasa?
HETO at GANITO AKO KUNG WALA AKONG GINAGAWA. _i am_
Sa mga nakaka-intindi sa tindi ng kabulastugan,
ako pang hamak lang ang inyong pagtiya-tiyagaan?
Salamat na lang sa palakpak at sa inyong pansin,
kung hindi niyo naman ito mariing iintindihin.
Sabi ng mga taga-ibayong dagat, lampa daw tayo't puro tayo dada,
Wala daw tayong kooperasyon at pakikipagkapwa.
Gustuhin ko man ay di ko masikmura ang gawi nilang malalaswa.
hindi lang ung porn ang ibig kong sabihin, pati na ang panlala-it na di naman pinapansin ang sariling sagwa.
Bobo daw ako, ikaw din daw, sila din daw, TAYO!
Mga batang lumaki sa karilagan ng punla ng mga taong bobo.
BOBO PA AKO'T GANITO NA, DI KO PA 'TO PINAG-ISIPAN,
HINDI PINAG-ISIPANG GAWIN? akalain mo nga naman.
Tapusin na ang alipusta! ay wag na lang siguro muna.
Para maramdaman nating di pa nga tayo umaasenso, tayo'y papalubog na.
Sige na! gumawa ka ng sa'yo. yung may pamagat na "AKO".
Yun bang tipong,"Sumbat ng Bathala'y palakarin ang mga lumpo"
Hindi sikat, pangit ang pamagat, lapis lang ang panulat.
Katumbas ay makina, kompyuter, manunula't manunulat.
ANO PA? Limang minuto lang ang lumipas.
HAMBOG BA? Ay naku, di naman.
Kabobohan, akin lang ipinamamalas.
Showing posts with label USEP. Show all posts
Showing posts with label USEP. Show all posts
Away From my Old School.
Posted by
akosiay-am
June 7th, 2010,the important date both academically and personally. The first day away from the school i used to go to and the 5th year from when i used to act out. It is when i met new surrogates and at least a boring pilot day for the greatest battle i will be into. I guess they will be a helping hand for me as i am trying to be one for them. They don't know me that deep yet as well as i do to them. This day is indeed a great day to be called but this would just be the start of the new beginning. :D ...assignment sa programming1 sa akong atubangon.. hahai
Subscribe to:
Posts (Atom)