HA? di ko lang talaga makuha.
Kung bakit sa libu-libong taong pwedeng madapuan nitong sakit na 'to'y tayo pa.
Wala naman siguro tayong ginawang masama bakit tayo pinaglalayo ng mga pangyayari?
Kasi naman, may napansin lang ako.
Di naman siguro tayo mga bobo.
Kanya-kanyang wagayway ng bandila sabay sabing "Sulong Pinas."
Naka-upo naman sa tabi. Maririnig ba sigaw niyo? Mas malakas pa yata bulong ng pulubi.
Natututo na tayong mag-rally. Ay di pala.!
Noon pa yon. Alala niyo pa yung sa EDSA?
Napatalsik ang nasa upuan na binabanggit ni gloc9.
Naka-upo ang dilaw na siyang nagdala ng kahit kapiranggot na pag-asa.
Pero di rin nagtagal. Di rin nagtagal, napunta tayo sa napakababang lebel ng pamumuno.
Sino ba naman ang makakalimot kay GLORIA. Napakabaligtad sa ibig sabihin ng kanyang pangalan sa kantang "Gloria in Exelcis Deo".
Nabanggit ko na din ang isang kantang pamasko.Dumako na tayo sa paskong pinoy.
Tipikal na maskara'y nito'y masaya, party animal, hayop sa disco. at blah blah blah.
Pero sa likod ng mga ito'y isang mapanirang mantsa.
Mukhang tadtad ng galos dala ng galit ng araw.
Tapos paskong-pasko'y sira ang liwanag. Di man lamang ma-ilawan ang bahay na puno ng pagmamahalan.
Korni nga pero pilit namang iniilagan.
Kasiyahan ang pasko. Wala kang karapatang MAGALIT. Daghan ang nagpasko kauban ang KANGITNGIT!
Nagmamatapang ako di dahil ako'y galit, nagmamatalino? pwede na rin.
Paano mo naman sasabihin sa sarili mong mahina ka kung di ka ganun katapang?
SIMPLE. Di gaanong elegante. Gawin mo ang bagay na kung saan ka kampante.
Basta ba'y alam mo na di lahat ng tao'y alam ang ispeling ng tunay na P-S-K-A-O.
No comments:
Post a Comment